Powered by Blogger.
RSS

1st day ng 2nd year

1st day

1st day. June 15, 2009. Second year na ako. Ang bilis ng panahon, kamakailan lang, nagaalinlangan ako sa summer subjects ko. Dumaan na ako sa madugong hintayan at nakakabanas na pagaayos ng schedule at form 5 ko. [Ay tae, naalala ko dapat pala may dedicated akong blog sa mga dinanas kong paghihirap during enrolment]. Tapos ngayon, tapos na ang first day ng 2nd year ko as a college student. Hay nako. Ang tanda ko na, nakakamix emotions. Nung isang araw lang, inaayos ko na ung mga gamit ko, sineparate ko na ung mga magagamit ko pa at mga pwede nang itapon. Yon, nagaaway pa ang thoughts ko kung itatapon ko na ba talaga, memories din yun. Iniisip ko sayang! wala kang instruments na pwede gamitin pangreminisce kapag gagraduate ka na at syempre, masarap magreminisce. At syempre, iniisip ko din yung future kong buddy. Hay, eto pa, nakita ko ung mga primer, mga flyers, ung mga thingies na pnpndistribute, elections stickers, nstp guidelines, mga collegian, at ang lace ng id kong color green, mga course outlines. Tinago ko lahat ng pwede kong maitago. Kaya nanghihinayang din ako basta basta itapon na lang ung mga un. :D Haha, pati ung mga ppts na dapat ng idelete. Nasa usb ko pa. Kaya ayon, hanggang ngayon, nakatambak pa din ung mga gamit na un sa akin at hindi ko pa alam kung kaya kong i-let go.


So back dun sa topic ko, ang sarap ng feeling na medyo may alam ka na sa kalakaran ng eskwelahan mo. Yung hindi ka na nangangapa pa, hindi na nangangailangan ng tulong, at hindi na mukhang inosente at nagpapakabait sa pagpasok sa school. Dagdag pa na, medyo lang nasisiyahan ka kasi narealize mo na napagdaanan ko din yung stage na yan at see, second year na ako at tapos na ako sa ganyan.

"You lift my feet off the ground. You spin me away. You make me crazier crazier. Feels like I'm falling out(?) Lost in your arms. You make me crazier, crazier,crazier"

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments: