Powered by Blogger.
RSS

Koreanovela Wave

Marami akong gustong gawin panuodin ngayong semestral break. I cannot wait to have my koreanovela marathon to start. Pero I have to wait because I need to. Gaya nga ng nasabi ko kanina, marami akong gustong panuodin. Ipapakilala ko sa inyo ang aking Korean Hitlist.

1. Sweet 18
Ito ang una dahil ito ang CD na mayroon ako sarili. Hindi ko pinapansin tong CD na to na nasa loob lang ng cabinet ko. At ngayon bonggang naappreciate ko na na tinago ko ito kasi habang wala pa sa aking ang mga susunod sa listahan, may pagkakaabalahan na ako.

2. You're Beautiful
Matagal na tong hit na hit sa mga lagi kong kasama. Pero kasi dahil wala akong oras para manood ng ganyan (gusto ko kasi tuloy tuloy) habang may klase pa. At noon kasi hindi ko type ang titulo nito. Ang alam ko kasi ang bida dito ay si Ji Hoo (sa BOF) at akala ko talaga ay reality show ito kaya hindi ko pinansin kasi hindi maappeal ang parang fairy tale na poster nila. Ay oo malaki ang factor nung nakita ko ang fairy tale poster nila, parang fantasy ang dating. Di ko gusto mga ganoon sa panahon noon. Pero ngayong sembreak ko na, I have all the time in the world to un-unlike this.

3. Fated to Love You
Naumpisahan ko na ito dati sa GMA kasi pinapalabas ito tuwing hapon. Pero hndi ko na nasundan sa di maalalang dahilan.

4. My Girlfriend is a Gumiho
Hindi ko maipaliwanag talaga kung bakit mayroon akong desire na panuodin ito. Pero gusto ko talaga, hindi ako nacucurious pero hindi ko talaga kung bakit ko gusto panuodin ito.

5. Sungkyunkwan Scandal
Kung hindi ko binasa ang "plot" nito ay siguro hindi ko man lang babasahin ang titulo na yan. Diba, nakakastress ipronounce.

6. Shining Inheritance
Napapalabas din ito sa GMA dati.

Sana lang matapos ko ito ng semestral break.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments: