Powered by Blogger.
RSS

2010 year ender post

I am so proud again! Pangalawang year-ender post ko na ito. Sa nagdaang 2010, marami akong natutunan at hindi makakalimutang mga pangyayari sa aking buhay. Sa pag-alala ko sa mga pangyayari simula noong last na salubong ko sa bagong taon, hindi ako makapaniwalang lahat iyon ay nangyari noong nakaraang taon! Ayon kasi sa aking nararamdaman, matagal nang nangyari iyon at pwede nang makalimutan. Siguro kung tutuusin, ito ang taon na nagsimula o napagtanto ko na marami akong hindi alam at hindi pa nalalaman at kailangan malaman. Hindi lang sa aspetong pang-akademiko (152 pa lang!), siguro wala namang taong walang natutunan sa lahat ng aspeto ng buhay sa isang taon. Signs ba ito na tumatanda na ako? Oo, kailangan magprogress ang isang tao habang tumatagal siya dito sa mundo ( ayon sa aming dekana, naniniwala din ako dito!). Tatapusin ko na ang post na ito dahil sa tingin ko wala na akong interesanteng nasasabi. Maligayang Bagong Taon ulit!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments: